Sec. 32. Manner of obtaining the ballots. –
Lumapit sa BET Chair, ibigay ang pangalan at address mo at iba pang mahalagang impormasyon. Katungkulan ng miyembro ng BET na suriin ang identity mo – KAYA MAS MAIGING MAGDALA NG MGA MAY PICTURE NA IDENTIFICATION CARDS, LALO NA GALING SA GOBYERNO.
Pag-ok na sa BET, titingnan ng Chair kung malinis ang daliri mo, tapos bibigyan ka ng balota. ANG CHAIR NG BET LAMANG ANG MAKAKAPAGBIGAY NG BALOTA, AT ISA-ISA LANG.
Dapat sabihin ng Chair ang serial number ng balota mo at ilagay ito sa ilalim ng pangalan mo sa kanilang listahan.
Dapat ding pirmahan ng Chair ang likod ng balota mo. Check this, kasi kung walang pirma ng Chair, pwedeng ma-invalidate ang balota.
Dapat ka ding pumirma sa listahan ng BET (ang mga illiterate ay maglalagay ng thumb mark)
Dapat nakatupi ang ballot para nakatago ang mukha maliban na lang sa serial number.
Maaring samahan ng isang tao ang disabled of illiterate na botante. Dapat naka-indicate na ito in advance sa registration record nyo. Pero kung nangyari ang disability pagkatapos ng rehistro, magpakita na lamang ng medical certificate. Dapat ma-lista ito sa Minutes of Voting.
Kung ikaw ay kasama ng disabled o illiterate, di pwede lumampas sa tatlong katao ang maaring tulungan. Dapat ding tanungin ng poll clerk ang disabled o diumanong illiterate na botante kung ikaw nga ba ang pinili nyang tumulong
Maglalagda ang aid, under oath, na sinulat nya ang kagustuhan ng botante.
May mga lugar na nililipat ang mga presinto ng disabled at senior citizens. Magtanong!
Kung nadumihan mo ang balota at natatakot na di ito bilangin, ibalik na naka-ayos tulad ng pagkuka mo. Hintayin na sulatan ng BET Chair “spoiled” ang espasyo sa taas ng serial number. Hintayin na bigyan ka ng pangalawang balota. Hanggang pangalawang balota lang ang maaring ibigay.
Sec. 37. Procedure after voting. –
Pagkapuno ng balota, fold it tulad ng pagtanggap mo
Sa harap ng BET, ilagay ang thumbmark sa nakatakdang espasyo at ibalik na sa Chair ang balota.
Titingnan lang ng Chair ang serial number na hindi natatakpan at i-match sa nakalista sa BET logbook. Dapat mahulog agad ng chair ang balota sa ballot box ng di tinitingnan ang laman.
Hindi pwedeng tanggapin ang balota na may ibang serial number kaysa nakatala sa log.
Lalagyan ng indelible ink sa kanan hintuturo. Ang di pagpayag malagyan ng ink ay magiging cause para markahan na “spoiled” ang balota mo.
Pag-tinanggap na ng Chair ang balota mo, yung folded part ay ilalagay sa ballot box at ang detached coupon naman sa compartment para sa spoiled ballots. Ang anumang balota na bumalik na wala nang coupon ay mamarkahan agad ng “spoiled”
No comments:
Post a Comment