Saturday, October 23, 2010

BARANGAY ELECTIONS: DAPAT ALAMIN

Resolution 9030

Sec. 23. Voting hours. – Magsisimula ang botohan mula 7 am hanggang 3 pm sa Oct. 25.
Pag-umabot ng 3 pm., at may mga botante di pa nakapagboto within 30 meters ng polling place, gagawa agad ng listaHAN ang poll clerk at bigyan numero ang bawat isa para sa maayos na pagtapos ng botohan. Ibibigay ang listahan sa Election Officer. Maging alerto: 3 beses lang tatawagin ang pangalan mo; pag di ka pa lumapit, disqualified ka na.

Ang bawat presinto ay dapat may kopya ng listahan ng botante at listagan ng mga –de-activated voters (yung mga napag-alaman na peke o di talaga nakatira sa address na binigay, o mga di nakaboto ng 3 sunod-sunod na halalan) Dapat ilagay ang mga listahan sa tabi ng numero ng presinto, na dapat nakapaskil malapit sa pintuan ng polling place

Ang bawat upuan o desk na gagamitin ay dapat na may ballot secrecy folders

Bantayan bago magsimula ang botohan na nagawa ang mga sumusunod:

• Buksan ng Board of Election Teller Chair ang ballot box, siguraduhing walang laman at ipakita ito sa publiko. Tapos, i-padlock ang interior cover; ibigay sa poll clerk ang susi ng padlock
• Ipakita sa publiko na naka selyo ang pakete ng official ballots at book of voters. Sirain ang selyo sa harap ng publiko. Ipasok sa Minutes of Voting and Counting of Votes ang bilang ng mga pads ng balota at ang mga serial numbers ng mga balota sa bawat pad. Magcertify na nakita ng publiko na sealed na dumating ang mga kagamitan sa halalan.
• Ang interior cover ng ballot box ay dapat locked hanggang matapos ang botohan. Kung nagging masikip na at din a makalaglag ng mga balota ang mga botante, pwede itong buksan sa harap ng mga watchers at ang Chair ay magdidiin sa mga balota – PERO DI PWEDENG ILABAS ANG MGA BALOTA. Isara ulit ng padlock ang interior cover.

DAPAT SIGURADUHIN NG BET NA FIRST COME, FIRST SERVED ANG BOTOHAN. Ang magugulo ay dapat i-report agad sa Chief election office at mga law enforcers na deputized ng Comelec.

BAWAL ANG WATCHER SA LUGAR NA RESERVED SA MGA BOTANTE AT BET. BAWAL SILANG MAKISALAMUHA AT MAKIPAGUSAP SA MGA BOTANTE
WALANG MAARING PUMASOK NA ARMADONG TAO SA POLLING PLACE, MALIBAN KUNG DEPUTIZED NG COMELEC

No comments: