Saturday, October 23, 2010

Mga DO’s and DON’T’s sa mga members ng Board of Election Tellers (minsan tinatawag ding Board of Election Inspectors) at mga Watchers:

Ang Sec. 11. Prohibition on partisan political activity. – Walang miyembro ng BET ang pwedeng lumahok, direkta man o hindi, sa anuman partisan political activity (mag-kampanya o tumulong sa sino mang kanidato).

Sec. 12. Proceedings of the BET. – Kailangan bukas sa publiko ang meeting ng BET at dun lamang sa assigned na polling place.

Ang bawat kandidato ay may karapatang pangalagaan ang kanyang boto. Ang bawat kandidato ay pwedeng mag-assign ng dalawang watchers na mag-bantay in alternate shifts sa polling and canvassing centers. (*Sa mga magugulong lugar ay nililipat ang canvassing sa ibang sentro. Tulad ng sa Payatas na nilipat ang canvassing sa Albert Hall ng QC City Hall. Alamin kung saan ang canvassing ng mga boto sa barangay ninyo.)

Ang mga duly accredited citizens arms ng Comelec ay pwede ding maglagay ng tig-isang watcher.

Ang ibang mga civic, religious, professional, business, service at youth groups na may pahintulot sa Comelec ay maaring mag-appoint COLLECTIVELY ng isang watcher bawat polling place. (*Isa lang para sa kanilang lahat, kaya dapat makapagusap ang mga grupong ito nang di makadagdag sa gulo.)

Hindi ka pwede maging watcher kung may kamaganak ka sa BET sa lugar ng assignment mo.

Hindi pwede maging watcher ang mga incumbent barangay at SK officials kahit di sila tumatakbo sa eleksyon.

Hindi din pwede maging watcher ang mga barangay tanod.

Sec. 16. Rights and duties of a watcher. –
Pagpasok sa polling place, ipakita sa BET Chair ang inyong sinumpaang appointment na dapat may signature ng nag-appoint na kandidato. Dapat ma-lista agad ng poll clerk ang pangalan ng watcher sa Minutes of Voting and Counting of Votes

Pwedeng gawin ng watcher:
a) Mag-observe sa proceedings ng BET,
b) Gumawa ng notes tungkol sa nakikita nya
c) Kumuha ng mga litrato ng mga nangyayari, pati na sa pag-bilang ng boto, election returns, tally board at ballot boxes;
d) Magsampa ng protesta kung may nakitang iregularidad of di pagsunod sa batas; huwag kalimutang kumuha sa BET ng certificate ng pag-protesta.
e) Malayang timingin ng balotang binabasa ngBET Chair, election returns at tally board. PERO HINDI PWEDENG HAWAKAN NG WATCHER ANG MGA ELECTION DOCUMENTS.
f) Kumuha ng certificate of votes ng kandidato. MAKE SURE NA ITO AY NALAGDA-AN AT MAY THUMB MARK NG LAHAT NG MIYEMBRO NG BET

BAWAL MANGGULO ANG mga WATCHER SA MGA VOTERS O SA BET. DAPAT SILA MAGING MAGALANG AT DI MASYADONG MAINGAY. DI DAPAT PAKALAT-KALAT ANG MGA WATCHERS. DAPAT TUMIGIL SA ASSIGNED PLACE.

**Source: RESOLUTION No. 9030 (GENERAL INSTRUCTIONS FOR THE BOARD OF ELECTION TELLERS (BET) AND BARANGAY BOARD OF CANVASSERS (BBOC)IN CONNECTION WITH THE CONDUCT OF THE OCTOBER 25, 2010, SYNCHRONIZED BARANGAY AND SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS. )

No comments: