Saturday, October 23, 2010

TIPS FOR VOTERS


Dalawang tulog na lang, halalan na sa barangay at Sangguniang Kabataan!

Binabahagi ng Bayan Mo, iPatrol Mo ang mga ilang tips para sa mga botante. Nanggaling ito sa Namfrel (National Movement for Free Elections) at sa Kontra Daya. Basahin ang mga reminders para makatulong sa pagsulong ng malinis at makabuluhang eleksyon

1) Alamin na kung saan ang inyong polling precinct bago pa man ng araw ng halalan.

2)Kailangan isulat ng isa-isa sa balota ang mga pangalan ng mga kandidato pinili mo. Gumawa na ng listahan bago umalis ng bahay.

3) Bomoto ng maaga. Bukas na ang presinto mula 7 am hanggang 3 pm. Inaasahan madami ang mga botante dahil magkasama ang eleksyon para sa barangay at sa Sangguniang Kabataan.

4) Pumila ng maayos.

5) Siguraduhin na galing sa Board of Election Inspectors ang iyong balota. Ang mga myembro lamang Board of Election Inspectors ang pwedeng mamahagi ng mga balota.

6) Para di manakaw o ma-duplicate ng iba ang boto mo, maglagay ng signature sa tabi ng pangalan mo sa Voters List

7) Isulat ng maayos ang tunay na pangalan ng mga kandidato. Mag-practice sa pagpuno ng balota nang maiwasan ang pagdumi sa balota dahil erasures. (Ang mga mahigit 18 years old ay pwedeng pumili ng isang barangay captain at pitong kagawad. Ang mas bata ay pipili ng isang SK chairman at 7 kagawad.)
8) Sagrado ang balota mo. Ikaw ang pumuno nito. Huwag mong ipakita sa iba. Gamitin ang mga folder para walang makakita ng boto mo.

9) Pag may nagtatangkang makialam sa pagpuno mo ng balota, o pag may nakikita kang nakikialam sa ibang botante, itawag agad ang pansin ng mga election inspectors.=

10)
Siguraduhing maglagay ng thumbmark sa ballot at ibigay ito sa chair ng
BEI,

11) Magpalagay ng indelible ink sa daliri. Huwag tumangkang burahin ang indelible ink.

12) Bantayan din ang pagbilang ng mga boto. Kung maari, mag-volunteer na maging eleksyon watcher or escort sa mga titser na nagdadala ng mga balota at ballot boxes.

13) Magdala ng flashlight o kandila dahil maaring magkaroon ng brownout.

14) Dapat nyong malaman na ang mga armadong pulis, military, civilian auxiliaries, mga tanod, security guard, barangay officials or sino mang taong may armas ay hindi maaring lumapit sa polling precinct.

No comments: