Sec. 38. Challenge against illegal voters. –
Ang sino mang botante o watcher ay maaring tumawag ng attention ng BET sa mga diumanong illegal voters, under the following grounds:
(a) hindi registered ang tao; (b) gumagamit ng ibang pangalan; (c) naka-register ng mahigit sa isang beses; o nakapasok sa mga kategorya ng disqualified persons
Hindi required mag-present ng ID ang isang botente hanggat walang challenge sa capacity nya to vote.
Kahit walang ID, pwede syang payagan kung ang mukha nya at signature nya ay katulad ng nasa register of voters; kung kilala sya ng BET; o may magsasabi na kapitbahay under oath na sya nga ang tao sa list of registered voters.
Pwedeng mag-reklamo sa kapwa botante on the following grounds:
a) Nakatanggap o humihinta na tumanggap ng suhol para sa boto nya (hindi lang pera ang pinaguusapan dito – mamahaling regalo, mga groceries etc) [*Pero dahil sa pagsalanta ng Bagyong Juan, di na pinagbawalan ang mga kandidato na magbahagi ng relief goods BASTA WALANG KASAMANG KAMPANYA AT CAMPAIGN MATERIALS}
(b) Kung ang kapwa botante ay sumusubok na ma-impluwensyahan ang boto kahit na nagsara na ang campaign period;
Kung ikaw naman ang na-accuse, kailangan kang magsumpa sa harap ng BET na di mo ginawa ang mga pinaparatang sayo. Maari ka nang bumoto pagkatapos.
Lahat ng reklamo ay dapat nakalagay sa Part E of the Minutes of Voting and Counting of Votes.
Sec. 41. Disposition of unused ballots at end of voting hours. –
Bibilangin ng Chair at itatala sa Part A ng Minutes of Voting and Counting of Votes ang dami ng unused ballots, kasama ang kanilang serial number. Pagkatapos, sa harap ng publiko, pupunitin nya ang mga ito na pahaba. Ang kalahati ilalagay sa “Envelope for Other Half of Torn Unused Ballots” na dapat selyohan agad at ipatago sa Election Officer.
Ang natirang parte ng balota ay ilalagay sa “Envelope for Excess/Half of Torn Unused Ballots” na ilalagay sa ballot box para sa spoined ballots.
Hangga’t di natatapos ang pagboto, wala sinumang miyembro ng BET na pwedeng announce kung sino ang nakaboto o di pa nakaboto pa na mga botante, o magsabi kung ilan na ang naka-boto o anumang salitang makakapagbigay ng sitwasyon ng pag-boto.
No comments:
Post a Comment